illumine
light me up

Ang lungkot lang ng araw na ito

Yung tipong ginawa mo na ang lahat, yung tipong ikaw na ang gumagawa ng lahat pero pinipilit ka pa ring gawin ang mga bagay na hindi na kaya ng katawan/pagiisip mo. Nakakaburaot lang. Sabi ko sa officemate ko, okay lang na magwaitress na ako sa Dumaguete, tutal okay naman ako sa people skills so swak ako dun. Hindi yung tipong sa yo nakasalalay ang lahat, na pag tipong sablay ka, sablay buong magazine, hindi yung ganito kakomplikado na trabaho, yung maraming magagalit pag di mo nagampanan. Ang akin lang, kaya ko eh. Pero may limitasyon ako. Hindi ako somekindofasuperwoman, syet. Grabe ang gusto ko lang naman sa buhay mamuhay ng steady lang, pasulat sulat s atabi, palabas labas tingin ulap lakad daan, matuwa sa pagpeoplewatch buong araw. Yun lang naman eh. Hindi yung ganito. Pramis, magiipon ako. Tapos iiwan ko lahat. Mahilig naman ako magsolo e.

No Responses Yet to “Ang lungkot lang ng araw na ito”

Leave a Reply